Utang

Panaginip: Marami kaming naglalakad nang nakayapak. Huminto ako sa paglalakad dahil may naramdaman akong sakit sa aking kaliwang paa. Nang tingnan ko ay may mga tinik (tinik ng isda) na nakabaon sa aking paa. Marami ang tinik at nahihirapan akong bunutin ito isa-isa.--Jelyn

Interpretation: Bago ka managinip, napagod ka ba sa paglalakad o pagtakbo? Maaaring kaya ka nanaginip na masakit ang iyong paa ay napagod ka at nadala mo sa iyong pagtulog ang pagod na iyon. Sa kabilang banda, ang tinik sa panaginip ay nagsasaad ng mga utang at nahihirapan kang bayaran ito.

Show comments