^

Para Malibang

Haunted mansion sa Amerika, ginawa sa loob ng 38 years

MRYOSO - Pang-masa

Taong 1892 sa edad na 20, pinakasalan ni Sarah Pardee si Oliver Winchester na may-ari ng isang sikat na pagawaan ng mga baril, nagkaroon sila ng anak na pinangalanan nilang Annie. Sa kasamaang palad, namatay si Annie dahil sa sakit na severe malnutrition. Hindi pa roon natapos ang kamalasan ni Sarah, taong 1880 naman nang mamatay ang kanyang father-in-law at makalipas lamang ang ilang taon, sumunod na rin ang kanyang asawa dahil sa sakit na tuberculosis.

Hindi na muling nag-asawa pa si Sarah kahit na nakakuha siya ng malaking pamana.

Makalipas ang ilang taon, nakakaramdam na si Sarah ng kakaiba, pakiramdam niya ay may palaging nakatingin sa kanya, kaya nagpatawag siya ng medium o espiritista at doon niya nalaman na ang kanyang pamilya pala ay isinumpa ng mga napatay ng Winchester guns.

Iminungkahi ng medium na lumipat siya sa kanluran at doon magtayo ng bahay, pero kailangang itayo ng tuluy-tuloy hanggat siya ay buhay, dahil kung hindi siya naman ang mamamatay.

Nagpatayo siya ng bahay na kalaunan ay naging mansyon dahil nga sa hindi nito pagtigil sa pagpapagawa hanggang sa taong 1906, nagkaroon ng isang lindol at gumuho ang kalahating palapag nito kung saan natabunan si Sarah. Itinigil niya na ang pagpapagawa ng mansyon at kasabay nito ang pagpanaw niya noong 1922.

160 rooms mayroon ang nasabing mansyon at 24 oras ang paggawa nito sa loob ng 38 years.

 

 

vuukle comment

AMERIKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with