Paano mag-isip ang bilyonaryo?

Iba mag-isip ang mga bilyonaryo kumpara sa mga ordinaryo o mahirap na tao. Karamihan sa kanila ay bukang bibig na “you are what you think!”

Ang iyong isipan ang frame ng iyong buhay. Ito ang foundation para maka-create ng tamang mindset. Kailangang ikondisyon ang brain na makapag-isip gaya ng mayayamang tao. Upang masimulan na gawin ang mga bagay patungo sa realidad.

Samantalang ang isip ng mahihirap ay nagpapalubog sa kawalan at utang. Huwag mag-iisip ng failure agad. Kundi gamitin ang kabiguan bilang stepping stones na maging masigasig na magtrabaho nang mabuti upang makamtan ang goals. Huwag din mag-iisip na mag-quit. Kundi “Dream big” na aksyunan at tuparin ang iyong pangarap. Laging akuin ang responsibilidad, magkaroon man ng good o bad na resulta.

Maniwala na makakaya mo ito at magagawa sa pamamagitan ng Pangi­noon at hindi ng sariling lakas lamang. Laging sa biyaya at awa ng Pangi­noon na tiyak lahat ay ma­ka­kayanan mo.

Show comments