Paano magsara ng bag ng sitsirya nang walang clip?

BURP TIPS

Nauuso na rin sa Pilipinas ang malalaking bag ng sitsirya kaya naman kapag hindi naubos ay malaking problema ang pagkunat nito.

Marami nang naimbentong pang-reseal ng bag of chips pero paano kung wala ka nito sa bahay?
Ituturo namin sa inyo kung paano gawin ito gamit lang ang inyong mga kamay. Magic ba? Hahaha.

Una, siguraduhing walang masyadong hangin na natira sa loob ng bag. Itupi ng isang beses tapos irolyo ng mga isang pulgada ang kapal. Itupi ang magkabilang gilid para makabuo ng parang kuwelyo. Pagkatapos ay buklatin palabas ang gitna nito. Presto, hindi na matatapon at mapapasukan ng hangin ang tirang bag of chips. Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments