Babaeng ikakasal kailangang umiyak ng isang buwan sa China

Kakaiba rin ang isang lumang tradisyon sa ilang parte ng Timog-kanlurang Tsina, partikular sa Sichuan Province. Ayon sa tradisyon, kailangan umanong umiyak ng babaeng ikakasal sa araw ng kanyang kasal. Iba-iba rin ang pag-iyak depende sa rehiyon. Sa Kanlurang bahagi, may tinatawag na “Zuo Tang” (sitting in the hall). Ginagawa ito sa loob ng isang buong buwan. Literal na uupo ang bride sa isang hallway at iiyak gabi-gabi sa loob ng isang oras. Sa ikalawang linggo ay sasamahan siyang umiyak ng kanyang nanay. Sa ikatlong linggo naman ay ang lola niya ang sasama sa pag-iyak. At sa huling linggo ay sasali na ang kanyang mga kapatid na babae at mga tiyahin.

Hindi lang basta pag-iyak ang ginagawa dahil may background music din ito na maganda ring pakinggan sa mga kasalan.

Show comments