^

Para Malibang

Ang Itlog, Bow!

MAINGAT KA BA!? - Miss S - Pang-masa

Akala n’yo ba ang mga manok at mga lalaki lang ang may itlog? May itlog din ang mga babae…. Ang egg cell.

Ang egg cell, o ovum (ova-plural), ang female reproductive cell (gamete). Ang egg cell ay walang active movement, pero may kalakihan ito dahil makikita ito ng mata lamang. Kapag ang egg at sperm ay nagsama… pak! .. buo na ang diploid cell (ang zygote).. magiging baby na ‘yan.

Narito ang mga bagay tungkol sa itlog ni ate.

May Pangitlugan ang mga Babae - Sinasabing ang mga babae ay ipinanganak na bilang na ang egg at ang produksiyon ng egg na nangyayari sa in-utero na tumitigil kapag ipinanganak na.

Sinasabing may 7 milyong immature eggs ang babae habang nasa sinapupunan pa lamang ang babae at nagiging 700,000 na lang ito kapag umabot na sa puberty ang babae.

Ngunit may ginawang research na komokontra rito. Nadiskubre ng mga scientists na may bagong uri ng stem-cell sa human ovary na nagpapahiwatig ng posibilidad na patuloy na nagpo-produce ng itlog ang mga babae.

Kung ang mga lalaki ay nakakagawa ng 1,500 sperm kada-segundo, hindi na nakapagtataka kung nagpo-produce rin ng egg ang mga babae.

Ipinagpapatuloy ang research upang mapatunayan ito at madagdagan pa ang kaalaman ukol sa fertility ng mga babae.

(ITUTULOY)                                         

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with