Tamang hinala ni misis na buntis

Dear Vanezza,

Buntis po ako ngayon sa pangalawa naming anak at tatlong buwan na ang tiyan ko. Pero pakiramdam ko, may babae ang mister ko na kapitbahay pa namin. Dati niyang GF bago pa kami, pero may-asawa na. Pinagbawalan ko siya na makipag-usap sa babaeng yun, pero nahuli kong nag-uusap sila. Sa galit ko ay nilayasan ko siya at bumalik ako sa aking magulang. Naguguluhan ako kung tama ang aking hinala. Ano ba ang gagawin ko? - Pia

Dear Pia,

Inaatake ka ng selos sa kapitbahay ninyo. Natural lang na magkita at mag-usap sila. Huwag lang kung sobrang close sa kanilang pag-uusap, hindi ka dapat magselos. May asawa na yung tao, nag-uusap man sila ay casual na lang, pero ‘di para balikan ang nakaraan. Lawakan mo ang iyong pang-unawa, masama sa kalagayan mo para  mag-isip pa ng hindi totoo. Mabuti pa ay balikan mo na ang iyong mister at mag-uap kayo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments