Sulit ba iwan ang mga anak?

Dear Vanezza,

Paalis na ako ngayon March papuntang Canada para run magtrabaho. Habang tinitingnan ko ang mga anak ko, tinatanong ko ang mister ko kung worth it ba na iwanan ko sila. Kahit pa sabihing 21 at 12 years old na ang mga anak ko. Hirit ng mister ko ay madali na lang ang dalawang taon na ipagtitiis naming magkakahiwalay. Pero nag-aalala ako dahil puwedeng marami pang mangyayari sa 2 years na wala ako sa tabi nila. Kaya ko bang mawalay sa kanila? – Mildred

Dear Mildred,

Walang material na bagay ang puwedeng ipalit sa oras at pagmamahal ng isang ina. Kaya bago umalis ay makipag-bonding at kausapin sila para sa goals ng inyong pamilya. Upang kahit malayo sa piling nila ay parang malapit na rin kung laging naka-online para kausapin ang iyong mga anak at mister.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments