Iba’t ibang Gamit ng Coconut Oil

Skin moisturize ­– Nakapagpapalambot ng balat ang coconut oil, katuna­yan, isinasama ng mga sikat na artista, local man o sa Hollywood sa beauty rituals nila ang nasabing oil.

Hair conditioner ­– Nag­sisilbing pampalambot ng buhok ang coconut oil na mabisa rin sa pagpapahaba ng buhok.

Homemade soap –  Pa­­ngunahing ingredient ito sa mga beauty soap.

Body scrub – Dahil nga epektibo itong magpalambot ng skin, isinasama na rin ito bilang base sa mga panghilod o body scrubs.

Make up remover ­– Kesa gumamit ng mamahaling produkto, maaaring gumamit ng coconut oil sa pantanggal ng make up sa mukha.

Para makaiwas sa stretch mark – Kung na­­­pa­pansin na unti-unti nang lumilitaw ang stretch mark, simulan na ang pag­lalagay ng coconut oil para maiwasan ang pagdami nito. Masahihin lamang ito nang mabuti para siguradong maka-penetrate ito sa loob ng balat.

Show comments