Summer Fruits

Ngayong tag-init­ na, isa sa mga inaabangan ay ang pagbunga ng paborito ­nating mga prutas na swak sa init ng panahon. Alam n’yo ba na maaari rin isama ang mga summer fruits sa ating DIY (do it yourself) beauty rituals?

Maraming benepis­yong makukuha ang inyong balat at buhok sa mga prutas sa  tamang paggamit dito.

Papaya ­– Marami nang napatunayan ang prutas na ito sa larangan ng pagpapaganda. Hitik ito sa vitamin A na tumutulong na matanggal ang dead skin sa ating katawan. Nakapagpapaputi rin ito ng kutis at nakakapagpa­lambot ng balat.

Mangga ­– Powerful antioxidants ang mangga bukod pa sa sagana rin ito sa vitamin. Nakatutulong din ang taglay na vitamin C nito para ikaw ay pumuti. Mainam na panlaban ang acidity ng prutas na ito sa blackheads.

Avocado – Mayaman ito sa good fats at vitamin E na  isa sa mga sangkap na ginagamit sa pagpapadulas at pagpapakintab ng buhok. Epektibo rin ito sa pagpapalambot ng balat dahil sa taglay nitong good fats.

Show comments