Sintomas ng Diabetes

Ang diabetes ay isang disorder sa metabolism, kung paano gamitin ng ating katawan ang digested food. May tatlong klase ng sakit na ito: type 1, type 2, at gestational diabetes.

Narito ang ilang warning signs sa pagkakaroon ng diabetes:

1. Mataas na glucose level sa dugo.

2. Palaging gutom at pagod dahil hindi sapat ang insulin sa katawan at hindi makapasok ang glucose sa cells kaya nanghihina.

3. Mabilis maihi at la­ging uhaw dahil hindi ma-reabsorb ng katawan ang glucose sa kidney dahil na rin sa taas ng sugar level.

4. Tuyot na bibig at makating balat dahil nade-dehydrate nga sa madalas na pag-ihi.

5. Nanlalabo ang pa­ningin dahil sa pamamaga ng lenses sa mata dulot ng pag-iba ng fluid levels sa katawan.

6. Hirap na paggaling ng sugat dahil ang mataas na blood sugar ay nakaaapekto sa pag-flow ng dugo sa katawan.

7. Pamamanhid o pa­nanakit ng paa o legs dahil sa nerve damage.

Show comments