Brief o boxers, o wala?

Mga kuya, sanay ka bang naka-brief o boxer shorts?

O ikaw ba ang lalaking hindi nagsusuot ng underwear? Kung concern sa inyong sperm health, mas maigi kung walang brief, pero hindi ibig sabihin nito na lalakad-lakad kang wala man lang suot na short.

‘Di ba nga, kailangang mas mababa ang temperature ng testes kumpara sa normal body temperature. Para makapag-produce ito ng healthy sperm?

Kaya siguro nakalawit ang mga ‘batuta.’

Yung mga mahihilig dyan sa skinny jeans, laging naka-cycling shorts, laging masikip ang pants, naku-naku, ayaw ni ‘manoy’ ‘yan. Naaapektuhan ang sperm production.

Okay… okay, mas okay ang pormahan kapag naka-brief o cycling, bulky nga naman ang boxer brief. Pero kung concern sa inyong sperm health, boxers na lang… mas okay pa nga kung wala.

Sabi ng mga eksperto, mas okay ang boxers para sa sperm health.

Siyempre kasi ang brief, nakahapit. Hindi ang pagkahapit nito ang nakakaapekto sa sperm, inilalapit kasi nito ang testes sa katawan. Eh ‘di ba nga kailangan mas mababa ang temperature ng testes para makapag-produce ng sperm? 

Kung nasa bahay lang, ‘wag nang mag-brief, pero mag-short ka naman kuya, pangit naman kung kakaway-kaway ang alaga mo. Pero malay mo, baka ‘matakam’ si ate. (SOURCE: health.com at spermcheck.com)
 

 

 

Show comments