Lahat ng bigay ng ex kailangan bang isauli?

* Hala bakit ko isosoli? Bigay ay bigay. Hindi ko naman hiningi ang mga regalo niya sa akin. Kundi kusang gift niya sa akin. Walang sulian noh! Magsasayang pa ako ng oras para makipagkita sa kanya. Ano magmumukha lang akong bitter ha! – Carol, Manila

* Naku wish ko lang na ibalik niya sa akin ang motor na ginagamit niya dahil hanggang ngayon ako pa rin ang nagbabayad nun oh. Nasa pangalan ko rin ang motor dahil ako ang naghuhulog buwan-buwan. Puwes ibalik niya ang motor tutal naman break na kami. Wala na akong balak na balikan siya. – Malou, Caloocan

* Kapag nagsulian pa ng mga bigay na gamit baka magsumbatan pa.  Puwede bang remembrance na lang?  Huwag na niyang isoli sa akin kahit mas marami akong na gibsung sa kanya. Waley akong pakialam kung anong gusto niyang gawin sa bigay ko. Basta huwag na niyang ibalik sa akin. – Jhie, Baclaran

Show comments