Alamin: Lovelife mo sa 2018

Kalkulahin ang birth date + birth month + 2 (sum total ng year 2018). Single number dapat ang magiging sum total (1 to 9). Ngunit kung ang magiging sum total ay 11 at 22, hindi na kailangang gawing ­single number dahil master numbers ito. Halimbawa: April 24 ang birthday + 2 = 4+6+2=12=3 ang love number.

Love number 1: Ang mai-involve sa iyo ay alinman sa mga sumusunod: isang bagong kakilala; makapangyarihan; mas bata sa iyo. Kung may asawa na, malamang na mag-renew kayo ng vow. Ang zodiac sign ng taong mai-involve sa iyo ay alinman sa mga sumusunod: Leo, Aries at Aquarius. Or ang petsa ng kanyang birthday ay 1, 4, 9, 10, 13, 18, 19, 22, 27, 28 at 31. Makikilala mo siya alinman sa mga  buwan ng Jan, May, July, at October. Magsuot ng kulay gold, yellow, orange, at golden brown para lalong maging attractive sa opposite sex. (Itutuloy)

                   

Show comments