8 Gamit ng Kulay Purple sa Feng Shui

Last Part

5---Pinturahan ng purple or lavender ang meditation or prayer room para mapaunlad ang pagkatao. Kung hindi mapipinturahan, magsabit ng crystal  na lavender.

6---Ang kulay purple ay umaakit ng suwerte lalo na kung ipapartner ang alinman man sa kulay white, gold at silver. Gamitin ang kombinasyon sa west at northwest ng salas or opisina.

7---Pinturahan ng purple ang inyong front door. Magdudulot ito ng good health, better career, at more friends and recognition. Ngunit kung nakaharap ang inyong front door sa northwest, mas bagay na gamitin ay white, silver or gray.

8---Gumamit ng purple sa southwest sector ng salas, bedroom at opisina para mapasigla ang romantic energy.

Ang inyong wedding or honeymoon picture ay ilagay sa purple frame. Gumamit ang mag-asawa ng lavendeer bed sheets.

Maglagay ng amethyst geode sa southwest corner. Gumamit din ng lavender or purple underwear para lalong lumakas ang sex appeal ng mga single.

 Mag-spray ng lavender essence sa bedding para marelaks at ma­ging romantic ang mag-asawa.

Show comments