Babaeng nabu-bully ibinangon ang sarili
Habang siya ay tumatanda at kumakalat ang kanyang Vitiligo, ikinahiya ni Ash Soto ang sarili dahil na rin sa mga taong nambu-bully sa kanya.
Ang Vitiligo ay isang uri ng disease kung saan nasisira ang pigment cells sa balat na melanocytes, kaya nag-iiwan ito ng puting marka sa katawan na batik-batik o hiwa-hiwalay.
Ngayong 21 years old na si Ash, na-realize niyang kailangan niyang yakapin ang sakit at huwag itong ikahiya. Ngayon ay nakapagsusuot na siya ng mga seksing damit ‘di tulad ng dati na balot na balot na siya.
Madalas din niyang i-transform ang katawan bilang art. Minsan ay ginagawa niya itong mapa o ano pang klase ng paintings saka siya nagpapa-photoshoot.
- Latest