Budget ng Pamilya

Ang budget ang unang hakbang para maayos ang financial na panga­ngailangan ng pamilya. Pero hindi ito magagawa ng isang upuan lamang. Kailangan ng ilang araw bago ma-break down ang lahat ng detalye at ma-manage pa isa-isa ang pera.

Pagsama-samahin lahat ng income mula sa sahod, interest, at regalo. Saka tingnan ang mga expenses sa araw-araw, kada-linggo, o kahit buwan-buwan na siguraduhing walang malalampasang bayarin. Saka pag-aralan kung alin ang babawasang gastusin, utang, at paano palalakihin ang savings.

I-post ang budget na mas maganda kung mababasa ng buong pamilya upang makatulong ang lahat na magpaalala kung kailan ang due date. Ma­ging open sa suggestion ng iba  kung may idea kung paano makakatipid. Saka puwedeng i-adjust ang listahan upang mapagkasya ang budget.

Show comments