Pancake Sandwich ng Jollibee Kakaiba

Burp Review

Kakaiba rin ang bagong breakfast menu ng Jollibee na pancake sandwich.

Siguro naisip nilang gumawa ng breakfast gamit ang pancake na madaling kainin on the go.

Nagkakahalaga ng P50 ang isang order, bale dalawang maliit na pancake ito na may palamang sunny side up egg, bacon, at cheese.

Sa totoo lang nabitin kami dahil maliit, at med­yo weird lang ang combination dahil masyadong matamis ang pancake. Sobrang nasasapawan nito ang alat ng bacon at cheese. Maging ang itlog ay hindi masyadong malasahan.

Sana gawan nila ng paraan ang pancake mix at laki nito. Masyado kasi itong maliit na parang sinlaki lang ng malaking pandesal. ‘Di ka mabubusog unless may partner na kape.

Hahaha Burp!

Lasa: 2/5; Presentasyon: 2/5; Presyo: 2/5

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments