Goals at Ideas ng mga Anak

Lahat ng anak ay nangangailangan ng gabay. Ang unang agenda ng pakikipag-usap sa anak ay ang pakikinig ng mga magulang sa mga gustong i-express o sabihin ng mga bata. Tanungin ang mga anak kung anong gustong baguhin o gawin ngayong bagong taon. Kung ano ang gusto nilang i-improve; kung  ito ba ay patungkol sa kanilang pag-aaral, pagsasayaw, o pagkanta. Maaaring ang pakikitungo sa ibang tao para matuto kung paano makipag-team work sa kalaro, kaibigan, o kapatid. O mga bagay na magpapasaya o magpapaayos sa buhay ng anak.

Tulungan ang mga anak sa kanilang mga goals at ideas kung paano ito mag-work out. Pero huwag sa­sabihin sa anak na bawal o masama agad ang kanilang goals. Importante na maging bukas sa kanilang ideas at suportahan ang anak. Ito ay malaking boost at pakiramdam ng anak na alam nilang mayroon silang kakampi.

Show comments