Pangalawang Anino(314)
(Pang-masa) - January 3, 2018 - 12:00am

HINDI makapaniwala si Angela sa narinig mula kay Nanette.

“Bubuhayin mo si Ariel? Magagawa mo ‘yon? Hindi ba ‘yon bawal sa kautusan ng Diyos na ang namatay ay bubuhayin?”

“Hindi inutos ng Diyos na patayin si Ariel. Hindi sa normal na paraan siya namatay. Karahasan na nag-ugat sa kasamaan ang dahilan. Kaya ... hindi ko pa naman sigurado ... ayokong pangunahan ang Diyos ... pero baka nga sa pamamagitan ko ay gusto niyang maibalik ang buhay ng isang napakabait na tao.”

NALUHA sa kaligayahan si Angela. “S-sana nga ... sana nga mabubuhay pa si Ariel.”

“Magdasal na lang tayo.”

Nakapikit na dinadasalan ni Nanette si Ariel. Si Angela ay nakayuko at nagdadasal din.

May talukbong pa rin ng kumot ang buong katawan ni Ariel. May nurse na nakakapanood.

May doktor din na hindi naman tinututulan ang pagdadasal ni Nanette at ng unang anino.

May reporter na nakapuslit, nakasilip sa pinto ng Emergency Room.

May liwanag na bumalot sa buong katawan ni Nanette.

Liwanag na sumakop din sa katawan ni Ariel na may takip na kumot.

Napasinghap ang doktor at ang nurse.

“May ... may movement sa dibdib. He is breathing again!”

“Oo nga po, Dok!”

Agad inalis ng doktor ang kumot na nakatakip kay Ariel at nakita nila na humihinga nga uli ito.

Ang duguang ulo ngayon ay malinis na.

Sinuri ng doktor ang lahat na vital signs.

“Normal lahat. He has a normal heart beat. And he is really  breathing!”

“At saka, doktor, hindi pa po namin nalinis ang dugo sa kanya, tingnan n’yo po, ni bahid wala na!” Sabi ng nurse.

Sinuri agad ng doktor ang ulo ni Ariel, kung saan kanina ay nakabuka na halos ang sugat na tama ng itak.

“Not a trace of that long deep wound! Milagro ito! Hindi sakop ng medical science!”  - ITUTULOY

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with