Tradisyon Tuwing Bagong Taon (2)
(Pang-masa) - January 3, 2018 - 12:00am

Sa pagpapatuloy ng mga tradisyon tuwing bagong taon sa iba’t ibang parte ng mundo, aliw ang pinaniniwalaan ng mga taga-South America.

Nakadepende kasi ang suwerte nila sa buong taon depende sa kulay ng panty o briefs na kanilang isusuot.

Naniniwala sila na kapag pula ay magiging maganda ang lovelife mo sa taong darating, ang gold naman ay susuwertehin sa pera, at kapag puti ang isinuot ay magdadala ito ng kapayapaan sa iyong buhay.

Sa Peru naman ay med­yo may pagkabayolente ang mga tao. Ina­ayos nila ang kanilang gulo sa pamamagitan ng pakikipag­suntukan. Para umano pagsapit ng bagong taon ay wala nang galit sa kanilang mga kalooban.

Sa Romania ay naghahagis sila ng barya sa ilog sa paniniwalang makapagdadala ito ng suwerte sa kanila sa buong taon. Pero sa Bolivia, isinasamang i-bake sa cake ang barya at kung sino man ang ma­ka­kakuha nito ay susu­wertehin umano ngayong bagong taon.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with