Iba’t ibang Klase ng Plastic Surgery na Sumisikat
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - January 3, 2018 - 12:00am

1. Hair transplant – Magandang balita para sa mga lalaking pina­ngarap na maging balbon at balbas sarado, pwede na ka­yong sumailalim sa hair transplantation kung saan manu-manong ilalagay ang buhok sa bahagi ng katawan na gusto mong magkabuhok.

2. Pagpapabago ng guhit sa palad – Nag-o-offer na ngayon ang mga surgeon ng pagpapalit ng guhit sa palad. Para ito sa  mga taong binabase ang buhay sa laws of feng shui.

3. Pagpapaliit ng butas ng pusod – Isa ang malaking butas ng pusod sa ilang isyu ng mga kababaihan lalo na sa mga babaeng sexy, makinis, at maganda dahil isa ang hugis ng pusod sa halos imposible nang mabago. Ganun pa man, naimbento na rin ang procedure sa pag-iiba ng navel’s shape.

4. One-day breasts – Isang araw lang tumatagal ang procedure na ito kung saan dodoble ang laki ng inyong hinaharap. Physiological saline raw ang ini-inject sa dibdib at pagkatapos ng isa/dalawang araw ay babalik na sa normal na laki ang boobs.

5. Ibang kulay ng mata – Hindi lang ang pagsusuot ng contact lens ang ta­nging paraan para mabago ang kulay ng mata. Pwede na rin kasing mag-implant ang isang doktor ng silicon prosthesis sa iris ng mata. At ang nasabing prosthesis ay pwede kahit na anong kulay. Mababago ito kung papalitan ang dating implant na inilagay sa mukha.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with