Digital Cleansing
(Pang-masa) - January 1, 2018 - 12:00am

Hindi lang kabahayan ang dapat linisin, kundi magandang idea rin na gawin ang digital cleansing sa inyong personal computer. 

Buksan ang inbox at i-delete ang mga bagay na hindi na kailangan, unsubscribe newsletter, template, duplicates, at mga lumang files. Sagutin din ang emails na nakalimutan sa inyong i-reply dahil sa kabisihan sa nakalipas na holiday.

Kapag natapos nang mag-trash ng mga lumang emails, i-organize ang inyong inbox para malaman kung saan hahagilapin ang importateng documents.

Gawin din ang nasabing proseso sa inyong cell phone. I-trash ang mga apps na nagpapabigat para hindi ito mag-hang. I-send na ang photos o videos ng mga kaibigan o classmates na hindi sa iyo.

Ang paglilinis o pag-delete ng mga files o text messages araw-araw ay makatutulong para magkaroon ng disk space ang CP o PC. Ang paglilinis ng computer at dapat sa loob at labas. Ibig sabihin hindi lang ang dumi sa screen ang pupunasan, kundi maging ang alikabok sa ibabaw, gilid, at likod ng PC. Para literal na makahinga ang PC o CP na mas mapapahaba ang life system ng iyong gadgets.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with