Home remedy sa genital warts

BABALA: Kumonsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.

1.Maghalo ng isang patak ng tea tree oil, dalawang patak ng coconut oil at direktang ipahid sa wart.

2.Maaari ring gamitin ang green tea extract na pamahid sa warts. Maghalo lang ng isang patak ng oil sa dalawang patak ng coconut oil at ipahid.

3.Magpahid ng garlic extract sa warts. Maaari ring balutan ang warts ng binabad na gauze pads sa pinaghalong dinikdik na bawang at oil.

4.Magsawsaw ng cotton buds sa apple cider vinegar at pahiran ang warts.

5.Kumain ng gulay tulad ng cabbage, broccoli, brussel sprouts, at cauliflower na mataas sa Indole-3-carbinol (I3C) na nakatutulong sa paggaling ng warts. Kumain ng mga ito 4-5 beses sa isang araw.

6.Uminom ng folate at B-12 supplements.

7.Isama sa kinakain ang antioxidant rich foods tulad ng blueberries, cherries, kamatis, bell pepper, at kalabasa. Ang mga ito ay pampalakas ng immune system.

Show comments