Patatas Pangontra sa Alat

Isa sa delikado pero pinakaimportanteng pampalasa sa mga lutuin ang asin.

Minsan kasi kulang sa lasa ang ulam pero madali naman itong remedyuhan ng pagdagdag ng asin.

Isang tip para hindi maparami ang paglagay ng asin sa lutuin ay dapat tini­timplahan ito sa bawat step ng pagluluto.

Sa ganitong paraan, mabi-build ang lasa hanggang sa matapos itong maluto.

Pero paano kung hin­di talaga maiwasang ma­parami ang asin at hindi ito makontrol?

Huwag magpa-panic dahil patatas lang ang solusyon para rito.

Tama patatas, maghiwa lang ng patatas at ihalo ito sa lutuin lalo na sa mga may sabaw. Pakuluan ito ng 10 minuto pa.

Sisipsipin ng patatas ang asin at magugulat kayong mababawasan ang pagkaalat ng sabaw.

Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pag­luluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments