Sariling Emosyon

Ang  pag-improve ng emotional intelligence ay kombinasyon ng maraming skills.

Ang tao ay nakararamdaman ng iba’t ibang emos­yon sa maghapon.

Ang ilan ay nasosorpresa sa isang segundo. Ang ibang indibidwal ay matagal ang pagkakaroon ng bad trip o masayahing mood sa isang araw.

Kapag napansin ang accurate label ng nararamdaman sa araw-araw, ito ang pinaka-basic na EQ skills bilang  pagiging aware sa mga emosyon.

Ang simpleng awareness sa nararamdaman ay nakatutulong na ma-mange ang ating sariling emotions.

Pero may ibang tao na hindi namamalayan kung ano ang kanilang naramdaman sa maghapon. I-label ito sa iyong isip at sabihin sa sarili; kung ikaw ay nagagalit, nadidismaya, nabubuwisit, natutuwa, o nagpapasalamat.

Gawing habit araw-araw na maging aware sa sariling emotions.

Show comments