Mister Feeling na Walang Silbi

Dear Vanezza,

Nawalan ng trabaho ang mister ko. Mula noon ay  nagkaroon na siya ng depression. Ayaw nang lumabas ng kuwarto na feeling daw niya wala na siyang silbi dahil ako na lang ang nagtatrabaho. Ako ay isang teacher at may dalawa kaming anak. Nung una ay naghanap siya uli ng trabaho pero dahil sa may edad na siya ay wala nang tumatanggap sa kanya. Paano ko ba matutulungan ang mister ko? –Grace

Dear Grace,

Makatutulong kung ipatitingin mo siya sa professional na psychiatrist. Para mabigyan siya ng tamang advice kung paano siya muling magsisimula sa kanyang pinagdadaanan ngayon. Kailangan niya ng support group na malaki ang magagawa ninyong mag-iina upang maramdaman niyang may nakakaintindi sa kanyang problema.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments