Anak ni Isabel idinaan sa kanta ang pagkawala ng ina

Nakakaiyak ang pinost na video ng ex-husband ni Isabel Granada na si Jericho Aguas aka Geryk Genasky kahapon sa Facebook account nito.

Sa short video ay makikita ang 14-year-old son nila ni Isabel na si Hubert na kumakanta ng See You Again ni Charlie Puth.

Part of the song which Hubert sang went like, “carry on, carry on. Give me all the strength I need to carry on. So let the light guide your way, hold every memory as you go. And every road you take will always lead you home, home.”

Tulad ng kanyang ina, maganda rin ang boses ni Hubert at pwedeng-pwedeng maging singer kaya hindi kami magtataka if one of these days ay makita na natin siya sa industriyang kinalakihan ng mommy niya.

Samantala, nakauwi na sina Jericho and Hubert sa bansa kasama ang ina ni Isabel na si Mommy Guapa. Dumating sila last Sunday night habang naiwan pa sa Doha, Qatar ang labi ni Isa kung saan ito binawian ng buhay.

Ayon kay Jericho, kinailangan na nilang umuwi para asika­suhin naman dito sa Pilipinas ang funeral service ng aktres.

Ang nag-aasikaso naman daw ng labi ni Isa ay ang asawa nitong si Arnel Cowley at ibang mga Pilipinong naroroon.

Kahapon ay naka-chat namin sandali si Mommy Guapa sa FB messenger at damang-dama namin sa mensahe niya ang labis na pagdadalamhati.

“Sana ako na lang. . .kasi di ko alam pano makakayanan,” ang maikli pero punong-puno ng hinagpis na pahayag ni Mommy Guapa.

Wednesday or Thursday pa ang dating ng labi ng aktres sa Pinas at ike-cremate ito pagkatapos ng burol. Nag-post naman ang dating ka-loveteam at kaibigan ni Isabel na si Chuckie Dreyfus regarding the funeral service.

“To everyone currently asking about Isabel Granada’s wake and funeral service details, we are still waiting for the family’s final decision. Further announcements will be made once it has been finalized.

“For now, the family has decided that the wake will be at Santuario de San Jose, Greenhills, Mandaluyong City starting Nov. 9, 2017. Thank you,” ang post ni Chuckie on his Facebook page.

Hugot King may major concert

For sure, mapupuno ang super-cute and cozy concert venue na Teatrino located at Promenade, Greenhills this coming November 8, 2017 at 9PM dahil ang balladeer na tinaguriang Hugot King na si Kiel Alo ay magkakaroon ng birthday concert entitled When We Were Young.

First time na magsi-celebrate si Kiel ng kanyang birthday via a musical show kung saan makakasama pa naman niya ang ilan sa mga friends niyang malalaking pangalan sa music industry like Michael Pangilinan, Garie Concepcion, Dessa, Ezekiel Hontiveros at Boobsie Wonderland, under the musical direction of Ivan Lee Espinosa.

“Sobrang excited na akong kinakabahan. First time ko kasing mag-major show kaya halos hindi ako makatulog sa nerbiyos and excitement,” sabi ni Kiel na exact birthday talaga ang Nov. 8.

Ayon pa sa singer, matagal na raw niyang pangarap na magkaroon ng first major show kaya nagpapasalamat siya sa manager na si Jobert Sucaldito na tinupad ang dream niyang ito.

Show comments