Asparagus Pampagana sa Kama

Burp Fact

Kung medyo matamlay si mister o misis sa kama, aba maraming pagkain ang maaaring ipaka­in para magkaraoon naman ng init ang inyong mga gabi.

Isa sa mga pagkaing ito ang asparagus, na may legendary aphrodisiac status. Mayaman ito sa vitamin B6 at folate na parehong nakaka-boost ng arousal at orgasm. Nagbu-boost din ito ng vitamin E, na nakaka-stimulate naman ng sex hormones.

Ang tsokolate rin ay matagal nang nali-link sa love and sex. Ito’y nagtataglay naman ng tryptophan na nakatutulong mag-produce ng serotonin, isang natural na feel-good chemical na malaki ang role sa sexual arousal.

Maging ang talaba ay isang sexy superfood dahil nagtataglay ito ng zinc na nakatutulong mag-produce ng testosterone, isang critical hormone na nakaka-regulate ng libido at sexual functions. Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments