^

Para Malibang

Pangalawang Anino (243)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

YANIG si Nanette sa madugong eksena, Balot man ng kabanalan, sandali siyang pinanghinaan ng loob.

“Diyos ko po, bakit nagkaganito?”

May sumugod sa kanya, si Alona.

Paalis na sana ito para tumakas pero nakita niya si Nanette.

“Papatayin kitang hayup kang babae kaaa!”

Pero bago naisaksak ni Alona ang itak, may huma­wak sa kanyang kamay.

Si Arturo.

“Bitiwan mo akooo!”

“Hindi mo puwedeng saktan si Nanette, patayin mo muna ako!” Galit na sagot ni Arturo.

“Napakawala mong kuwentang lalaki! Sobra kang minamahal ni Yawan pero wala kang ginawa kundi ma­baliw sa Nanette na ‘yan!”

Nabawi ni Arturo ang itak.

Ang ibang lalaki doon ay lumakas na rin ang loob. Lumapit kay Alona.

“Walanghiya ka! Pinatay mo si Denang! Napakabait ng asawa kooo!” Sinakal si Alona ng isang namatayan.

May sumuntok pa kay Alona na babae. “Ang anak ko, sinaksak mooo!”

Hanggang sa dumami ang mga dumumog kay Alona. Kahit napasubsob na ito sa lupa.

“Tama na ho. Tama na.” Nakiusap si Nanette.

“Nanette, pabayaan mo sila. Natural lang na saktan nila si Alona dahil nawalan sila ng mga mahal sa buhay.”

“Arturo, ang kabutihan ay hindi maaring gumanti. Haharangan lang ang mali pero ang paghihiganti ay hindi ito pinapayagan ng Diyos.”

“Masyado rin naman kasing kontrolado ng Diyos ang mga bagay-bagay!”

“Arturo!”

“Totoo naman, Nanette. Tulad natin. Dahil lang na­ging banal ka na ayaw na niyang umibig tayo sa isa’t isa?”

“Hindi ‘yon inutos ng Diyos sa akin, Arturo. Ako ang nagkusang nagpasya dahil alam ko na may responsibilidad ako. Kailangan kong unahin ang pagtulong sa kapwa. Ang maging protector nila.”

“Kailangan din kita. Kaya ako naakit ni Yawan ay dahil wala ka, nandoon ka sa bundok na puti. Nami-miss kita! Paano ko maaayawan si Yawan kung hindi ka na akin?”

Napailing si Nanette, nalungkot nang husto. “Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa atin. Maraming dugo ang nasa paligid natin, Arturo. Kaya sana, huwag mo munang unahin ang personal na bagay tungkol sa ating dalawa. Huwag kang maging ...”

“Maramot? Ayokong maging banal, Nanette. Hindi ko kaya ‘yon. Tao lang ako na may panga­ngailangan, umiibig.” Bago pa nakasagot si Nanette, umalis na si Arturo sa simbahan. Natapakan nito ang mga natutuyo nang dugo pero walang pakialam.

ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with