Tips sa Paggamit ng Condom

• Tumatagal ang mga condoms ngunit ugaliing i-check ang expiration date.

• Huwag kagatin o gupitin ang wrapper ng condom. Ingatan itong ma-damage.

• Siguraduhing hindi baliktad ang condom kapag isu-shoot na ito. Dapat nasa labas ang rim kaya para itong sombrero.

• Kapag nai-shoot ito ng baliktad, hubarin at kumuha ng bago. Huwag gamitin uli ang hinubad na condom.

• Siguraduhing may space lagi sa tip kapag isinuot ang condom para may space para sa semen.

• Iso-shoot ang condom kapag erect na ang penis at i-unroll ito hanggang sa base ng penis.

• Itago ang condom sa malamig at dry na lugar at malayo sa matatalas na bagay. Huwag itong ilagay sa lugar na naaarawan.

• Huwag patagalin ang condom sa kotse, bulsa, o wallet dahil ang sobrang init, friction, at moisture ay nakaka-damage sa condom.

• Kapag may damage ang condom – punit, dry, matigas, malutong, malagkit, at iba pa, huwag gamitin at itapon na.

• Hawakan ang rim ng condom at hugutin kapag ‘tapos ka na.” Huwag nang hintaying lumambot ang penis bago hugutin.

• Huwag gumamit ng condom na may oil o latex tulad ng petroleum jelly, lotion, baby oil, butter, at iba-ibang kaparehong uri dahil nakaka-damage ito sa condom.

• Laging maghanda ng condom sa ‘tabi’ para kapag may ‘aksiyon’ ready ka.

• Pagkahubad nang ginamit na condom, itapon agad sa basura.

Bagama’t pre-lubricated na ang mga condoms, iminumungkahi ang paggamit ng extra water-based o silicone lubricant para sa may enjoyable na sex experience.

Kahit nagko-condom  na, iminumungkahi pa rin ang paggamit ng birth controls tulad ng pillringshotimplant, o IUD para sigurado kung hindi pa handa sa responsibilidad ng pagiging magulang. Kung nagkaproblema sa condom habang nagse-sex, gumamit ng emergency contraception (the morning-after pill). (source: www.plannedparenthood.org)

 

Show comments