Ang depression ay isang major disorder na kadalasan ay nangangailangan ng seryosong atensiyon dahil sa kanyang nararanasan na negatibong naaapektuhan ang indibidwal kung paano mag-isip, kumilos, at ano ang nararamdaman.
Ang depression ay pinagmumulan kung bakit nalulungkot at nawawala ang interest sa activities na dating kinahihiligan. Ito ay puwedeng panggalingan ng iba’t ibang emosyon, physical problems, pagbababa ng abilidad na mag-function sa kanyang trabaho, pag-aaral, sports, sa bahay, at iba pa.
Ang sintomas ng depression ay puwedeng magpamalas mula mild hanggang severe gaya ng pagkakaroon ng depresss mood, nawawala ang appetite kaya nangangayayat o tumataba na inuugnay sa diet ng isang tao, hindi makatulog, o tulog nang tulog, feeling na walang silbi, nahihirapan mag-isip, mag-concentrate, magdesisyon, nag-iisip mag-suicide, at marami pang iba.
Ang maganda, ang depression ay isa sa mental disorders na puwedeng gamutin. Kailangan lang ma-assess para mabigyan ng kaukulangan medication.