Japanese spider crab

Ang Japanese spider crab ang pinakamalaking specie ng crabs at nabubuhay ito ng hanggang 100 years.

Ang crab legs nito ay umaabot hanggang 3.8 meters o 12 feet. May bigat din ito na umaabot sa hanggang 19 kilos.

Ang Japanese name ng naturang specie ay taka-ashi-gani na ang ibig sabihin sa Ingles ay tall legs crab o sa Filipino ay matangkad na alimango. Kaya ito ang pangalan ng specie dahil matatagpuan ito sa karagatan ng Japan.

Kahit nakakatakot ang hitsura ng alimango na ito, hindi sila ganoon ka-agresibo gaya ng iba nilang ‘kamag-anak’.

Kailangan ng ibayong pag-iingat sa paghuhuli nito dahil marami na ang naaksidente dahil sa mata­talim na mga sipit ng Japanese spider crabs.

Isa ito sa specialty ng ilang restaurant sa Japan.

Show comments