Maling Paggamit ng Condom

Hindi porket laging gumagamit ng condom, expert na sa condom.

Ang totoo, marami ang gamit lang ng gamit ng condom, mali-mali naman.

Narito ang mga maling ginagawa ng mga lalaki sa paggamit ng Condom ayon sa men’s health.com.

Nagsimula Na, Wala Pang Condom

Minsan may mga pagkakataong naki-carried away na sa sitwasyon, nakakalimutan nang magsuot ng condom. Kung ang dahilan ng paggamit ng condom ay proteksiyon laban sa Sexually Transmitted Disease (STD), huli na ang lahat, dali ka na. Magpa-check-up na. 

Hindi Pa Tapos, Hinuhubad Na Ang Condom

Oo nga naman, minsan, nakakairita talaga ang condom kaya ang iba, nagmamadaling hubarin. Kung huhubarin na ang condom, tapos na dapat ang session. Wala nang balikan. 

Walang Ulitan

Marami ang nanghihinayang kaya ginagamit uli ang condom. Bukod sa unhygienic ang pag-uulit ng paggamit ng condom, maaaring may damage na ito kapag ginamit uli. - ITUTULOY

Show comments