Himala ng Wallpaper

Minsan nagiging ­boring ang isang kuwarto kahit pa kakaiba ang kulay na ipinipinta rito. Mahirap din naman ang maglagay ng wallpaper lalo na kung malaki ang kuwarto. Pero maganda at madali kung pagsasamahin ang dalawa.

Halimbawa ay sa banyo, maaaring pinturahan ito ng matingkad na kulay at bumili ng wallpaper na may kaparehang kulay o shade ng pintura na ginamit. Idikit lang ang wallpaper sa isang parte ng banyo kung saan gustong gawing focal point. Magandang focal point ng banyo ang sink area dahil dito nag-aayos ang gumagamit ng salamin.

Isang tip para sa mas kakaibang paglagay ng wallpaper. Isunod sa korte ng inyong salamin ang hugis ng itaas na bahagi ng wallpaper. I-trace muna ito bago hiwain gamit ang cutter para mas aliw tingan lalo na ang kabuuan.

Simpleng renovation lang pero may impact ang paglagay ng wallpaper sa isang parte ng kuwarto.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!

Show comments