Paniwala Tungkol sa Numero

4: Sa China, kapag binigkas ang number 4 sa salitang Chinese ay kasing tunog ng “death”. Kaya ang matataas na building sa China ay walang 4th floor. Sa U.S. may ilan din building na walang 13th floor. Ang sum total ng 1 at 3 ay 4. Kaya ganoon din ang paniwala nila, ang number 13 ay malas na number.

9: Kung kinatatakutan ng Chinese ang number 4, ang number 9 naman ang inaayawan at kinatatakutan ng mga Japanese. Kasingtunog daw ito ng torture or suffering kapag binigkas ang 9 sa wikang Japanese.

17: May ibang Italians na kinatatakutan ang Friday the 17th. Kapag isinulat ang 17 sa Roman numeral, ito ay XVII. Kung irarambol, ito ay lilikha ng salitang Latin na “VIXI”, na ang ibig sabihin ay “my life is over”. - Itutuloy

Show comments