Bakit Mas Maraming Payat na Asians?

Statistically, ang mga Asians ang pinakamapapayat sa buong mundo.

Ayon sa ilang pag-aaral, ang mga Asians ang slimmest people on Earth dahil sa iba’t ibang dahilan.

1. Paraan ng pagluluto ­– Maraming pinritong pagkain ang mga Asians, pero mas marami rito ang sinabawan at in-steam lang. Dahil dito, naiiwasan ang sobrang mantika sa katawan.

2. Binurong pagkain – Ilan sa mga sikat na fermented foods sa mga Asians ay ang kimchi, natto soybeans, burong manga, burong mustasa, at iba pa. Ang mga nasabing pagkain nagsisilbing natural probio­tics at nakatutulong sa pagpapapayat.

3. Pagkahilig sa seafood at gulay – Hindi ma­wawala sa Asian cuisine ang seafood na mayaman sa polyunsaturated omega-3 fatty acids at ang mga gulay na sagana sa vitamins at minerals na nakatutulong para mas maging healthy ang katawan.

Show comments