Ang Nawawala Kapag Nananalangin

Minsan isang tanong ng lalaki sa kaibigan, “Bakit kailangan mong magdasal araw-araw sa Panginoon? Ano bang nakukuha mo?”

 “Wala, pero masasabi ko lang sa iyo na marami ang nawala sa akin,” sagot ng kausap. “Natanggal ang galit ko, ego, pagiging madamot, depression, insecurity, takot sa maraming bagay, lalo na ang takot na sakaling ako ay mamatay. Nagkakaroon ako ng kapayapaan sa puso at isip kapag nagdarasal,” dagdag na sagot ng kausap.

Minsan, ang sagot sa ating panalangin ay hindi kung ano ang makukuha, kundi ang mawalan; na ang totoo, ito ay  isang paraan para may makuha na mas mahalagang lesson kaysa sa material na bagay. Ang panalangin ay hindi lang paghingi ng mga pangangailangan sa araw-araw tulad ng pera, bahay, sasakyan, makakain para sa buong linggo, at matupad ang pangarap sa buhay. Lahat ng bagay ay lilipas, pero ang peace of mind bilang pagtitiwala sa Panginoon ay higit pa sa kayamanan sa mundo na hindi madadala sa langit.

Show comments