* Iba na ang panahon ngayon, marunong na ang babae na mag-move on agad. Wala nang drama, kaysa sa magmukmok. Marami pang lalaki diyan na mas deserving sa pagmamahal at oras namin noh. – Jessica, Zambales
* Yung bf ko pinagpalit ako sa agad sa schoolmate namin na may kotse. Isang linggo pa lang kami nag-break. Akalain mo samantalang ako nagdurugo pa ang puso ko. – Joy, Las Pinas
Dapat ba may gender ang pag-move on? Lahat ay dumadaan sa proseso nagkataon lang ang mga lalaki ay magaling magtago ng feelings nila. Kahit sabihin pang nakakakuha agad sila ng kapalit. – Myra, Manila
* Depende, nasa mind setting lang yan. ‘Pag tapos na tapos na bangon agad. Kapag sanay ka nang masaktan ang tendency ay mag-move on agad. Magtrabaho at aliwin ang sarili, hindi mo namamalayan nalampasan mo na at mari-realize na buti nga nakawala ka sa kanya. – Gigi, Makati
* Siyempre mga lalaki madali lang mag-move on, kaya panay ang palit ng GF, misis, o partner. Hindi dahil sa mabilis silang mag-move on kundi nature nilang magbilang ng babae sa buhay nila.
– Esca, Pangasinan