Buhay na ipis nakuha sa bungo ng Babae

Grabe na ‘to!

Kung may iba’t ibang natutuklasan at nakukuha sa loob ng katawan ng tao. Isang buhay na ipis naman ang natanggal sa bungo ng isang babae sa Chenna, India.

Kuwento ni Selvi, isang domestic worker na naninirahan sa Injambakkam, nakaramdam siya ng insektong pumasok sa kanyang ilong habang natutulog. Sinubukan niya itong tanggalin pero mabilis itong nakapasok.

Pumunta siya ng clinic pero pinayuhan siyang lumipat sa Stanlet Medical College Hospital. At pagkaraan ng nasal endoscopy ay nakita ng mga doctor ang ipis na nasa loob ng kanyang bungo sa pagitan ng kanyang mga mata.

Ayon pa sa mga doctor ay mabuti na lamang at sumugod agad siya sa ospital at natanggal ito nang buhay. Maaari kasing makaapeto sa kanyang utak sakaling namatay sa loob ng kanyang ulo ang ipis.

Show comments