Paano ba Maging Sexually Healthy? (7)

Para maging sexually healthy ay  importanteng isipin sa lahat ng bagay kung anong makabubuti para sa iyo,  pagpapahalaga sa partner, pagkakaroon ng positive relationships, pagpoprotekta sa sarili, at pagkakaroon ng routine para sa iyong sexual health.

Talakayin naman natin ang mga basics sa pa­nga­ngalaga ng sexual health. Natalakay na natin ang pagkakaroon ng healthy diet at pag-e-exercise ng regular. Narito ang iba pang tips ng http://www.healthcentral.com  para sa maximum sexual health.

Iwasan ang paninigarilyo - Alam na nating lahat na masama sa kalusugan ang paninigarilyo. Nakalagay na mismo sa pakete ng mga sigarilyo na “Smoking is dangerous to your health,” hindi ba?

May malaki rin ito epekto sa sexual function.

Naniniwala rin ang maraming doctor na ang paninigarilyo ay puwedeng maging malaking dahilan ng sexual dysfunction sa mga lalaki.  

Ayon sa mga pag-aaral/research/experiment, maraming mga lalaki  na may erectile dysfunction ay mga naninigarilyo.

Natuklasan din na ang paninigarilyo ay nakapagpapababa ng sperm count  at nakapagpapababa rin ng quality.

Sa paninigarilyo, nada-damage ang mga maliliit na arteries na nagpa­padaloy ng dugo papunta sa penis kaya nahihirapang mag-maintain ng erection. (ITUTULOY)

Show comments