Higanteng Specie ng Isda Nadiskubre
Panibagong specie ng higanteng ocean sunfish na may bigat na dalawang tonelada ang nadiskubre matapos ang matagumpay na paghahanap dito. Ito ang unang sunfish specie na nadiskubre pagkatapos ng 130 years.
Napakahirap makahanap ng sunfish dahil ang mga ganitong klase ng isda ay matatagpuan sa kalaliman ng karagatan.
Ayon sa grupo ng mga mananaliksik na pinamunuan ni Marianne Nyegaard, isang PhD student sa Murdoch University sa Australia, maaaring marami pang specie ng sunfish na hindi pa nadidiskubre.
Ang bagong specie ng sunfish ay pinangalanan nilang hoodwinker sunfish o Mola Tecta, na nagmula sa Latin word na “tectus” na ang ibig sabihin ay “hidden” o “nakatago”.
- Latest