Panlinis ng Plantsa

Minsan hindi maiiwasang may dumikit sa mga plantsa. At sa pagtagal ng panahon ay namumuo rin ang dumi sa ilalim nito.

Dahil dito ay naa­apek­tuhan ang ibang plantsahin at nalalagyan ng dumi lalo na kapag kulay puti ang mga damit na ­paplantsahin.

Alam n’yo ba kung paano tanggalin ang mga duming ito?  Simple lang ang kailangan, asin lang ay solb na ang problema sa plantsang marumi.

Magbudbod lang ng isang kutsa­rang asin sa isang flat surface.

Buksan ang plantsa at ilagay sa cotton setting o sa mahinang setting lamang. Kapag uminit na ay pasadahan ang binudburan ng asin. Mas maganda kung sa lapag ito gagawin. Hayaang makuskos ang plantsa sa asin hanggang matanggal ang mga nanikit na dumi rito. Pagkatapos palamigin ay punasan ng basang basahan ang ilalim ng plantsa.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!

Show comments