Unconditional Love sa Teenager na Anak

Ang basic foundation para magkaroon ng solid na relasyon sa inyong teenager ay pagbibigay ng unconditional love sa kanila.

Ang unconditional love ay makakaiwas sa problema tulad ng galit, guilt, takot, insecurity na feeling na hindi sila mahal o mahalaga sa kanilang magulang.

Kung ang basic na relasyon sa anak ay nabuo o nahubog sa unconditional love, magkakaroon ng tiwala sa ginagawang parenting o pagpapalaki sa anak. Kung wala ang nasabing pondasyon napakaimposibleng maintindihan ang iyong teenager. Kung paano siya gagabayan o paano i-deal ang kanyang behavior.

Kapag wala ang unconditional love, magiging magulo at nakakadismaya ang pagpapalaki sa anak. Ang pagmamahal ang nagiging ilaw at magpapakita kung saan at ano ang dapat gawin ng teenager na anak.

Simulan ang unconditional love na magkakaroon ng kaalaman at magiging sigurado na magagabayan at maibibigay ang pangangailangan nito sa araw-araw.

Malalaman din kung nagtatagumpay bilang magulang o hindi sa pagtatrato sa anak.

Show comments