Acidic

BABALA: Kumonsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondis­yon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.

Ang sobra at imba­lance digestive acids na napo-produce sa tiyan ay maaaring magdulot ng stomach ache, gas, pagkahilo, at bad breath. Maraming simple home remedies ang maaaring gawin para sa acidic na tiyan.

1. Uminom ng paunti-unting tubig para ma-neutralize at ma-flush out ang sobrang acid sa tiyan.

2. Uminom naman ng maligamgam na tubig bago matulog at pagkagising na pagkagising sa umaga.

3. Huwag iinom ng tubig pagkatapos na pagkatapos kumain dahil maaari itong magdulot ng improper digestion.

4. Kumain ng basil leaves kapag inatake ng acidity, siguruhing nguyain ito ng mabuti.

5. Maghalo ng isang kutsaritang cinnamon powder sa isang tasa ng tubig. Pakuluan ito at iwan ng ilang minuto. Inumin ang cinnamon tea tatlong beses sa isang araw.

6. Uminom ng isang basong tubig na may dalawang kutsarang raw, unfiltered apple cider vinegar araw-araw.

7. Ngumuya ng hilaw na luya kapag inatake ng acidity.

Show comments