20 Pulgada na Takong

Nagsusuot ng chopine o sapatos na may napa­kataas na takong ang mga kababaihan noong 15-17th centuries para protektahan ang kanilang gown sa baha at dumi.

Bukod dito, guma­gamit din sila ng chopine para ipaalam ang kanilang social position at kung gaano sila kayaman.

Kapag mas mataas ang chopine, ang ibig sabihin ay mas mataas ang estado ng nagsusuot.

Iba’t ibang disenyo ang mayroon nito na dapat ay bumagay sa gumagamit.

Ang tangkad nito ay dapat ding umabot sa 50cm o 20 pulgada kaya naman kakailanganin ng mga kababaihan ng katulong para mahawakan sila sa paglalakad at hindi matapilok.

Show comments