Batugan ang Asawang Mister

Dear Vanezza,

Ang problema ko ay tungkol sa mister ko. Batugan ang asawa ko. Dati ay nagtatrabaho siya pero mula nang matanggal sa trabaho ay hindi na nagsikap. Umaasa na lang sila sa kita ng aming grocery. Nahihiya naman akong pagsabihan ang asawa ko sa ginagawa niya. Ngayon ay buntis pa ako at magiging tatlo na ang aming anak. Ano ang mabuti kong gawin? - Mila

Dear Mila,

Sa  maayos na salita ay kausapin mo ang iyong asawa na lumalaki na ang inyong pamilya at hindi sasapat ang kita ng tindahan kung dun iaasa ang lahat ninyong panga­ngailangan. Kaya dapat din siyang magsikap na maghanap ng trabaho bilang dagdag kita sa grocery. Kailangan ninyong magtulungan dahil hindi sa habang panahon ay ikaw ang papasan para sa pamilya.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments