Aso Galit sa Nakangiti

• Para sa mga aso, sen­yales ng pagiging agresibo ang pagngiti ng mga tao. Kaya huwag ngumiti kung sa tingin mo ay mapa­nganib ang isang aso.

• Umiinom ng tubig-alat ang seagull dahil mayroon silang special glands na sumasala ng asin mula sa tubig.

• More than 2000 times a day kumakanta ang la­laking ibon.

• Kakaiba ang ana­tomy ng mga ahas kaya naman ‘di maikakaila na kaya nilang lumamon ng mala­laking hayop.

• Isang aso ang minalas na namatay nang tamaan ito ng isang meteor sa Nakhla, Egypt noong 1911.

So far, ang naturang canine dog ang nag-iisang creature na namatay dahil sa meteor.

• Ang kagat ng buwaya ang may pinakamalakas na kagat sa lahat ng hayop sa buong mundo.

• Bukod sa matalas na mga mata, matalas din ang pandinig ng mga dolphin dahil nagagamit nila ito para matunton ang anumang hinahanap.

• May iba’t ibang hitsura ang mga tupa. Makikilala pa rin nila ang isa’t isa kahit pa mahiwalay ng mahabang panahon sa kanilang mga flockmates.

• Hindi umiinom ng tubig ang Kangaroo rats. Kinukuha nila ang mga fluid na kailangan nila sa mga insekto na kanilang kinakain.

• Fawn ang tawag sa batang usa.

• Ang tanging insekto na may pinakamalaking utak na proportion sa kanyang laki ay ang langgam.

Show comments