Babae Iniligtas ng Kanyang Fake Boobs sa Kamatayan

Grabe na ‘to!

Isang Bulgarian woman ang iniligtas sa kamatayan ng kanyang breast implants.

Nasangkot kasi sa isang aksidente si Elena Marinova, 24 years old at maka-head-on collision ang isang sasakyan din. Pero nagsilbing air bag ang kanyang 40DD breast implants at hindi siya nagtamo ng serious damage sa katawan. Sa sobrang lakas din ng impact ay halos hindi na makilala sa pagkakayupi ang dalawang sasakyan kabilang na ang kanyang minamanehong kotse.

Ang masaklap lang ay may dalawang “casualties” sa aksidente at ito ang dalawa niyang breast implants. Sumabog kasi ang kanyang fake boobs dahil sa lakas ng impact. Pero malaki pa rin ang dapat niyang ipagpasalamat dahil walang internal organs at maski ang ribs niya ay ‘di naapektuhan.

Sabi ng isang pulis na rumesponde, “(The implants) worked just like airbags - protecting the victim’s ribs and vital organs from damage.” Dagdag pa nito, “They are not as safe as the real thing because they exploded, which airbags are not supposed to do.”

Show comments