Anak Pinahihirapan ang Nanay

DearVanessa,

Hanggang sa magretiro ang nanay ko, ay  nakasandal pa rin ang kapatid kong lalaki. Pati bayad sa kuryente ay inaasa pa niya kay nanay. Kahit may trabaho siya, panay ang utang tapos ang nanay ko ang pinahihirapan niya. Kaya kapag nanghihingi siya sa akin, tinitiis ko talaga para matuto.- Cindy

Dear Cindy

Kausapin mo ang kapatid mo at paliwanagan na hindi dapat nagpapabigat pa sa inyong ina. Paalalahanan mo siyang matutong mag-budget ng pera para ma-enjoy naman ni nanay ang sarili niyang pera.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments